Mga excited magkarelasyon.
Ang dami kong nababasa sa Tumblr sa “Single parin” or “Forever Alone” posts. Bakit ba gusto agad nila magkarelasyon? Dahil ba sa lonely sila? Nandyan naman ang pamilya at kaibigan nila a, tapos lonely sila. Alam ko yung feeling na kahit nandyan na ang pamilya mo at kaibigan mo parang kulang parin. Kahit naman umalis sila ang dapat nilang tandaan na nandyan si God palagi.
Excited magkarelasyon, nagkabf/gf nga tumagal ba? Hindi pa nga umaabot ng 1 month break agad. Eh pano, unting kilig lang sinasagot agad or kung pogi sinasagot agad. Kung manligaw naman yung iba mga 1 week lang, kapag sinagot na hindi na sila kasing sweet at lambing kung ikukumpara nung nanliligaw pa sila. Dapat nagda’date sila, kaso sa panahon ngayon kapag nag’date sila na agad. Ang pagdate pagbonding at pag’get-to-know.
Yung mga elementary mga may bf/gf na agad, ang bata pa nila. Hindi naman kasi minamadali yung relasyon e. Tapos mage’emote-emote sila na break na sila. HELLO?? bata pa kayo, sinasayang nyo yung pagkabata nyo e. Minsan lang kayo maging bata (pwede panaman maging isip bata pero iba lang talaga feeling kapag bata ka talaga. C:)



01.25.12 @ 10:19