Too young to love?

Hindi ko naman masisisi ang mga kabataan kung bakit karamihan ay minamadali ang pag-ibig. 

Para sa akin naiinfluensyahan ang karamihan dahil sa mga napapanuod, or nababasa (manga) nila. 

Kung papansinin ninyo ang mga palabas ngayon, mga pinapakita ay ang so called puppy love. Mga palabas na pinapakita, high school/elementary nagiibigan na agad. Normal lang naman na magkagusto ka sa tao mapa’bata man or matanda. Pero ang problema naiisip ng karamihan ay purke nagkagusto na sila sa tao, mahal agad nila. 

Sa tingin ko karamihan ng mga bata sinasabi na umiibig na sila hindi pa nila nare’reach ang pagmamahal na handa nasilang isuko ang lahat-lahat pati na ang buhay nila para sa mahal nila.

  1. coco-jam posted this