Palabas ng mga Pilipino

Alam mo yung naiinis na ako sa karamihan na palabas ng mga Pilipino ngayon? Hindi naman sa nagiging racist ako pero super CLICHE na masyado ng mga palabas na yon, lalo na mga yung mga nakikita kong drama:

  • Mayaman at mahirap palaging nagaaway.
  • Yung mga mamamayan as in, super yaman talaga
  • Yung mga mayayaman, inglishero at inglishera.
  • Exaggerated masyado, like yung “nita negrita” (Doon nainis talaga ako. Pero totoo naman yung ibang part dun, purke maitin lang ang tao minamaliit na nila. )
  • Yung mga mahihirap nalalamangan palagi ng mga mayayaman sa laban nila pero in the end sila din yung magkakajustice.
  • Mababait ang mga mahihirap, mga masasama ang mga mayayaman.

Marami pa talagang cliche, too many to mention.

Naiisip ko tuloy na wala ng originality ang mga naggagawa ng palabas na iyon. Puro ginagawa yung mga palabas na mala-hollywood.

Tapos kadalasan wala sa ayos yung mga make-up nga mga actoress. Nasa-ospital, ang ganda-ganda parin, tudo make-up. Matutulog lang, ganun parin ang kapal ng make-up.

*well, at least may ginagawa parin silang palabas para may libangan ang mga manunood. :-) *

  1. coco-jam posted this