Ang daming badtrip ngayong araw.
Kasama na ako don. Yung feeling na umagang umaga nasira na agad yung araw ko.
- Saglit lang ako nakatulog, ang daming iniisip. Pagkagising ko walang ganang kumain. tapos kung kailan paalis na don lang inatake ng gutom. Ginawan ako ng milo ng Mommy ko para at least may laman ang tyan, isang higop lang nainom ko.
- Pagkadating na pagkadating ko sa school, tinawagan ako ng Papa ko sa cellphone para lang pagalitan dahil nagPULBOS ako. eh ano ngayon kung nagpupulbos ako? imbis naman na super oily ng mukha ko. (pero kahit magalit ako sa Papa i love you parin, nakakabad-trip ka lang paminsan. alam ko concerned ka lang sa condition ng skin ko..)
- ELECTIVE: Nainis din ako sa SIP namin. demanding masyado yung teacher e. Pinepressure kami, paimportante much. Nagca’cram group namin kasi palaging may kulang or mali sa papers namin. Tapos yung product namin, wala pang matinong nagagawa.
- Recess: Bread pan lang kinain ko kasi daw aayusin yung SIP. Tapos nakita ko may nagaaway pa sa room. And then pumuntang library hindi ko alam kung ano yung aayusin so nakinig muna ako sa kanila habang ginagawa. Hindi din nakain ng ayos yung bread pan kasi nasa library. Na’late na kami ng 15 minutes sa Social Studies, pina prefect kami tapos hindi din agad pinapasok. (pero hindi naman talaga ako nabadtrip nung na prefect)
- Najudge ako ng classmate ko.
- Lalo pang nadagdagan ang pagkabadtrip ko dahil badtrip din yung iba. Yung iba kasi kapag nabadtrip nanghahawa sila ng BV. Naapektohan ako.
- Yung classmate ko sigaw ng sigaw kung magsalita nakakastress much. (normal lang sa kanya yon. Im fime with it pero kanina hindi. patience)
- ENGLISH: So yung project namin ako lang halos nagsalita sa harap, statue lang yung iba. Hindi pa ako natulungan sa video. SUPER dagdag ng BV. Nainis talaga ako.
- LUNCH: Gutom na talaga ako. Tinatawag na ako ng isa kong classmate para pumunta ng library para gawin yung SIP namin, pero sabi ko susunod nalang ako, kakain muna. Nabadtrip din siya sa sinabi ko. Sabi niya puro excuses daw. Sorry po pero gutom lang talaga ako. (Hindi ako galit sayo ah, kung mababasa mo to. gutom lang talaga ako. I consider you as my friend. C: kahit hindi tayo ganun ka close. ) Nauna na ako sa mga classmates kong kumain. So yeah, as always magisa ako kagalasan nakain, nalayo ako kasi kapag nakain ako, paminsan i want it quiet, pero maganda parin kapag may kasama. Pagkatapos kumain diresto library tapos closed din pala.
- FILIPINO: So natataranta na yung iba, sa katarantahan wala ng magawa. Nanghiram ng laptop para gawin yung SIP tapos inayos, yung idadagdag hindi din nagawa, hindi kasi alam kung ano lalagaw at nalowbat din yung laptop. Hindi ako nakapakinig ng Noli kasi tumutulong ako sa SIP. Pinapila kami para sa exhibit ng school, nabadtrip din yung teacher. Tinatanong para sa Teacher’s day ayaw sumagot. Tapos kung kailan 15 mins nalang bago uwin dun lang pinalabas para sa exhibit.
- EXHIBIT: Top 2 sa panira ng araw. Imikot kami hanggan sa nakita ko yung mga drawing ng iba, nainggit ako. (post ko mamaya..
Nung iwian na huminahon na ako ng unti. Niyakap ko ng niyakap yung kaibigan ko, pauloit-ulit niya ako tinatanong kung okay lang ako. Obyus naman sa pagkilos ko e. Pero sinabi ko nalang na okay lang ako, ayaw ko kasing maapektohan siya at long story. Niyakap ko siya ng niyakap, matagal. Sarap ng feeling na nalalabas mo kahit papaano yung ibang sama ng loob mo sa yakap…
Nabawasan ulit yung pagkaBV ko dahil sa dalawa kong classmates. Yung isa nagbibihis, nagpatulong din sa aming dalawa para ayusin yung damit niya. Yung isa katabi ko lang. Nakakapaghinahon.
Pauwin na kami tapos binili kami ng Papa ko ng shawarma. Pagkadating ko sa bahay, nagpati ako ng damit, tapos nahiga habang nakain ng shawarma. Nung naubos ko dinaan ko nalang sa tulog yung pagkasama ng loob ko. Pagkagising ko unti nalang siya, exect dun sa exhibit part.
Dito ko na nilalabas yung natirang sama ng loob ko. :|



02.24.12 @ 07:16
1 note