Yung feeling na gusto kong chopchopin yung dalawang kamay ko.
Alam mo yung naiingit ako. Pumunta kami sa exhibit tapos nakita ko yung drawing ng iba. Nadagdagan yung BV ko.
Naisip ko sa sarili ko:
Ang galing nila magdrawing (at painting) nila. Samantalang ako, bulok-bulok drawing (at paintings) ko. Buti sila magaling. Eh ako?
Libangan ko lang naman yung pagdrawing e. Sila parang libangan lang din nila. Siguro kung c’in’areer ko gagaling din ako. Buti sila may lakas ng loob ipakita yung mga drawing nila, ako hanggang tumblr lang tapos hindi pa lahat pinapakita ko. Duwag kasi ako e. Natatakot akong mapangitan sila.
Parang gusto ko tuloy chop chopin yung dalawa kong kamay. Parang gusto ko na din tumigil magdrawing.
Alam ko parang hindi ko naaappreciate yung bigay sa akin ni God at parang hindi ako kuntento sa binigay niya. I’m happy with it pero nakaka’insecure lang at badtrip ako nun.
Insecure muchhh!



02.23.12 @ 16:06