Nakakatuwa kapag may kayakap
Alam kong may mga kumalat na chismis sa kanya at may mga galit sa kanya, pero hindi ko pinansin yon e. Hinayaan ko lang na matuklasan ko ng sarili ko kung ano talaga siya. Tapos ayon, hindi ko inaakala na magiging malapit kami.
Kapag nalulungkot ako kinakausap ko siya, tapos gumagaan ang loob ko. Hindi ko naman sinasabi lahat ng kapag malungkot ako kahit gusto ko para mas gagaan loob ko pero hindi pwede e. Baka kasi madamay lang siya, ayoko non.
Kahit masaya ako sa paningin niya (pero hindi talaga) bigla-bigla ko nalang siya yayakapin. Kasi nacocomfort na ako, kahit hindi ko na ilabas ang lungkot ko sa harap niya. Just a simple hug is okay…




02.27.12 @ 11:34